Pwedeng makabasa ng orihinal na artikulo sa Ingles dito.
Humingi ng tulong ang Vasconcellos Institute for Democracy in Action sa mga kalahok ng campus, kasama ng gobyernong pangestudyante at ng Academic Senate, upang ipagtanggol ang bagong draft Foothill-De Anza Community College District Academic Freedom and Free Speech Policy.
Binabalangkas ng ngayong patakaran at pamamaraan ng distrito, BP 4190, BP 5500 at AP 5500, ang mga karapatan ng mga estudyante at guro, kasama ng mga karapatan ng Foothill College at De Anza College upang dumisiplina, pumarusa at mamahala sa mga estudyante.
Walang binibigyang recourse ang BP 4190, BP 5500 at AP 5500 sa mga estudyante o pakultad kapag nilabag ng mga administrador ang kanilang kalayaan sa pagsasalita o kalayaang pang-akademiko. Hindi rin nito binabanghay kung anong pagsasalita ay protektado ng distrito, o kung anong pagsasalita ay nahuhulog sa “hate speech.”
Binibigyan ng BP 5500 ang distrito at mga kolehiyo ng diskresyon upang kumahon ng pagsasalita sa pamantayan 11 ng student code of conduct; iniiwanan nito ang mga estudyante na madaling sakupin ng mga pamamaraan ng pagdidisiplina.
Saad ni VIDA Director Cynthia Kaufman na sinimulang kumpunihin ng kanyang institute ang patakaran, na pinetsahang Okt. 15, dahil sa dagsa ng panunupil sa kampus na lumalampaso sa bansa; sabi niya na humihingi siya ng “masmalakas na proteksyon upang makaturo at makasalita ang mga tao sa nais nilang paraan sa ating kampus.”
“Sa buong bansa, pinapatalsik ang mga estudyante sa kanilang mga paaralan,” saad ni Kaufman. “Pinapatanggal rin ang pakultya dahil sa pinaniniwalaan nila.”
Idinadambana ng draft na patakaran ng VIDA na sinusuporta ng distrito ang parehong karapatan, tinutuon nito ang distrito upang “kumilos nang maagap upang ipagsanggol ang mga karapatang ito” at “tumayong nakakampi” na kasama ng mga estudyante at tauhan kung “hinahamon ang kanilang karapatan” at tumatatag ng patakaran tungkol sa Time, Manner and Place.
Sabi ni Kaufman na ipinamahagi niya ang draft kay Presidente ng Foothill-De Anza Faculty Association Tim Shively at sa kaniyang abugado, na pagpatanong sa yunyon upang dalisayin ang patakaran.
“Ang dokumentang tungkol sa kalayaang pang-akademiko’y napakakitid at halos isang talata lamang,” sabi ni Kaufman. “Ang (patakaran) sa kalayaan sa pagasasalita para sa mga estudyante ay sobrang ikli rin, at wala masyadong sinasabi.”
Ang polisiya ngayon ay hindi pumoprotekta ng mga pakultya, tagapangasiwa o administrador sa pagtanggal dahil sa kanilang malayang pagsasalita.
Dagdag dito, pinagbabawal ng patakaran at pamamaraan ng distrito ngayon sa Time, Place and Manner, BP 3900 at AP 3900, ang “expressive activities” pagkatapos ng 5 p.m. at bago 8 a.m., dahil “expressive activities are not permitted outside the District’s hours of operation.”
“Kahit na kamakailan ko lang narinig yung tungkol sa panibago (na patakaran), naniniwala naman ako na mabuting pagbabago ito,” saad ni Drew Larson, 21, computer science major. “Ito (ang malayang pagsasalita) ay ating karapatan at ating pagpapahayag, marapat na ito ay palawakin upang huwag busalan ang madla.”
Binasa ng Gobyernong Pangestudyante ng De Anza ang draft patakaran ng VIDA noong Nob. 19; binasa ng De Anza Academic Senate ang panukala noong Nob. 3 at Nob. 24. Hindi pa nababasa ng Foothill Academic Senate o ng Kaugnay na Estudyante ng Foothill College ang panukala.
Maaga noong fall 2024, kinahon ng Foothill ang malayang pagsasalita sa lugar na may inilatag na ladrilyo sa Cesar Chavez Plaza — isang sirkulong malapit sa gusali ng mangangasiwa, na malayo sa karamihang mga klase — at ipinatakda ito bilang ang tanging public forum ng kolehiyo.
Ibinaliktad ng kolehiyo ang pagsasagawang ito mamaya sa quarter, na idinepiniha na public area ang “mga damohan, mga daanan at ibang mga lantad na kalugaran,” ngunit nagpatuloy sa pag-uuri ng arteng tisa bilang pananampalasan kung iginuhit sa labas ng plaza, kahit dati madalas hinihikayat ng kolehiyo ang arteng tisa sa library quad.
Hindi pa naglagay ang De Anza ng higit na limitasyon tungkol sa Time, Place and Manner na dagdag sa BP 3900 at AP 3900 pasimulang aprobahin ng lupon ng mga tagapangasiwa noong 2021.
Sabi ni Kaufman na nasa n’yang i-clear sa lahat ng mga kalahok ng campus sa hinaharap na quarter, na ipinaplanong presentahin sa De Anza Classified Senate sa Enero.
“Inaasa ko na maaga sa winter quarter, matatapos na namin (ng VIDA) ang lahat nito,” saad niya. “Gayon din naman sa Foothill; (sa) mga classified (na employado), estudyante at pakultya doon.”
Pagkatapos dumaan sa mga kalahok, pupunta sa Lupon ng mga Tagapangasiwa ng distritong Foothill-De Anza.
“Mabuti namang makakita ng tao sa eskwelang ito na nakakapagpahalaga sa ating mga karapatan at pananalita,” sabi ni Morgan Anderson, 18, communications major. “Ang pagpapagaling ng mga patakaran upang protektahang maslubos ang ating estudyante at tauhan ay marapat lang na tutokan ng mga paaralan.”
