
Pwedeng makabasa ng orihinal na artikulo sa Ingles dito.
Pinaliban ng DASG Senate and pag-aprobado ng $22,000 para maglagay ng pangtakip na vinyl sa bike corral noong Okt. 22; ipinabalik ang proposal sa komite ng finance upang siyasatin ang mga “seriyosong suliranin” sa paraan na kinuha ang quote, katulad ng salungot na interes.
Sabi ni Operations Specialist and Student Activities Coordinator Dennis Shannakian na ipinadala ni Foothill College Director of College Operations, Edgar Tovar ang quote noong Miyerkules, Okt. 8.
Pinakisuyo ni DASG Chair of Finance Alan Ma, 19, electrical engineering at computer science major, na pabalikin ng lupon ang hingi sa kaniyang komite, na sabi daw “marapat na suriin pang higit” ang quote. Pinasa ng senate ang mosyon ni Ma nang walang tutol sa Student Council Chambers.
“Mayroong siryosong suliranin sa kung paano (kinuha) ang presiyo nitong proposal,” saad ni Ma.

Ang quote, na mag-e-expire sa Biyernes, Okt. 31, ay sasakop nang gastos sa paggagawa ng assembly at pag-i-install ng apat na bagong frame, atsaka ng tatlong taon ng limitted warranty sa bagong structures; ang apat na structure mula sa nakaraang set ng pangtakip ay nakatayo pa sa labas ng Registration and Student Services building, kulang lang ng mga pangtakip.
Ito ay sa kabila na mayroong department ang distrito para sa work order at requests para serbisyohan ang mga facilities, at pinaglilipat nito ang gastos galing sa distrito at kolehiyo, papunta sa gobyernong pangestudyante.
Ipagpapalabas daw ng senado ang pera para sa proyektong ito galing sa pool ng special allocations, na sabi ni DASG Accountant Lisa Kirk na mayroon pang $152,441 noong Okt. 20 na lupon ng finance committee.

Ang DASG Bike Program, na inilunsad noong 2011, ay nagkaroon na ng dalawang pulutong ng pangtakip na tinangay na ng hangin; panguna ay noong 2023, tapos muli sa nakaraang Disyembre. Ang Office of College Life ay naglagay ng hiling para sa pondo upang magpagawa ng bagong paktakip at iprotekta ang mga bisikleta na nasa corral sa masmatinding kasiraan.
Bago nakalagay ang kolehiyo ng pantakip, nagkandawasak ang mga bike ng gobyernong pangestudyante dahil sa klima. Noong Oktubre 2019, isinumbong ni dating DASB Bike Coordinator Casey Cosgrove and dating Environmental Sustainability Chair Steve Hoang ang problema; ipinapansin na noong spring 2019, ang presyo ng pagpapaayos ng bisikleta ay nagkahalaga ng $12,655.20.
Ang corral ay nakaranas na ng mahigit sa 10 na buwan na walang pangtakip, na nakaiwang hayag ang mga bike sa klima at nakaipon ito ng kasiraan, tulad ng kinakalawang na gears, tinutunaw na handlebars, malabong gear indicator at sirang e-bike electronics.
“Noong unang (tinangay ang pangtakip), pinalitan ng insurance,” saad ni Shannakian sa lupon noong Okt. 20.
Sa lupon na iyan, sabi ni Shannakian na “sa alam niya,” walang mapagpipilian ang DASG. Sabi rin ni Shannakian na hindi nag-background check ang Office of College Life sa Top Choice Builders, bago ipinasa ang quote sa finance committee.
“Iyan (ang paggawa ng background checks) ay hindi bahagi naming responsibilidad,” sabi ni Shannakian sa interview. “Kami (ang Office of College Life) ay gumagawa sa distrito at umaasa na ginawa na nila ang dapat nilang gawin. Ang iba’t-ibang area ng distrito ay may iba’t-ibang mga kahusayan.”
Tumanggi si Edgar Tovar na mag-comment at dumirekta kay Joel Cortez, direktor ng facilities at maintenance. Dumirekta naman si Cortez kay Public Information Officer Ellen Kamei, na nagsulat na nakita ng distrito na may salungot na interes.
“Dinetermina na ang isang employadong kasangkot sa pagkukuha ng mga quote ay may koneksyong personal sa isang vendor,” sulat ni Kamei sa email. “Ang employadong ito at nag-recuse ng kaniyang sarili sa higit pang pagkasangkot.”
Dagdag ni Kamei na tinutukoy niya si Edgar Tovar, at nag-recuse siya noong Okt. 14.
Inilista ni Robert Tovar bilang CEO ng Top Choice Builders at ng ngayong hindi na gumaganang companya na Tovar Concrete; ang Tovar Concrete ay nawalan ng karapatang magnegosyo sa estadong California pasimulang Enero 1, dahil nahulog sa mabuting katayuan sa Franchise Tax Board at sinuspinde ng estado ang business license nito.
Ipinapahayag ng mga talaan galing sa opisina ng California Secretary of State na ang Tovar Concrete, na na nag-aangking may 40 na taon na ng trabaho, ay inirehistro lamang noong Dis. 11, 2019, ay hindi nagsiayos ng kinailangang statement of information pasimulang 2021.
Nakalista sa website ng Tovar Concrete si Enrique Tovar bilang pundador at sabi na Robert Tovar “took the reins,” sabi na ang negosyo ay nagsimula noong 1984. Sinisita rin ng Top Choice Builders ang 1984 upang pasimula ng negosyo pero walang bangit sa mga Tovar. Nagpapakita ang mga talaan na inirehistro ni Robert Tovar ang Top Choice Builders sa Secretary of State noong Ago. 15, 2024, bago sinuspinde ng estado ang lisensya para sa Tovar Concrete.
Parehong kompanya ay naglista ng 1090 Lincon Ave. sa San Jose bilang kanilang opisina, pero ipinapakita ng Google Maps at ibang mga negosyo sa lot na walang opisina ang Top Choice Builders doon.
Dagdag pa, pareho ang logo ng Top Choice at ng ngayong-defunct na Tovar Concrete.
Sa quote na binigay ng Top Choice kay Edgar Tovar, nakalista ang 1285 Matterhorn Drive, parehong address na ginamit ng Tovar Concrete, legally Bellavaju Corporation.
Kahit sabi ng “Contact Us” page ng distrito na si Oscar Guillem ang interim director ng college operations pasimulang April 30, nagpapahayag ang mga minutong galing sa Mayo 6 na kumilos pa si Edgar Tovar sa tungkulin ni Guillen.
“Itan (yoong email ni Kamei) ay pasimulang beses na narinig kong nag-recuse si Edgar (Tovar) ng sarili,” saad ni Shannakian. “Nag-e-email pa sa akin si Edgar (Tovar) noong Okt. 13.”
Sa isang tawag, sabi ni Kamei na pwedeng dalhin ng facilities department ang mga bagay-bagay sa DASG “early in the process” upang humingi ng pondo.
“Noong puntong iyan (Okt. 20), noong iyan (ang mga pangtakip) ay dumarating sa finance committee ng gobyernong pangestudyante, ikinikonsidera pa ang proyektong itan,” saad ni Kamei.
Sabi ni Shannakian na naglagay siya ng work order para sa corral noong Enero, na isinarado ng distrito noong Abril; naglagay siya ng pangalawang request, pero bumalik lang ang facilities at college operations na mayroong option noong pasimula ng Oktubre.
“Walang nagcontact sa a kin tungkol sa ano man,” saad ni Shannakian. “Sila (ang facilities) ay gustong humanap ng mas-durable. Ayaw nila (ng facilities) na palaging palitan iyan (mga pangtakip).”
Isinulat ni Kamei na hindi nagpatuloy ang distrito sa proyektong ito at hindi nagbigay ng kontrata.
“Ipinagpigil ang proseso bago gumawa ng anomang pangako,” sulat ni Kamei.
Nagsulat din si Kamei na ang bike corral ay hindi sakop ng proseso ng pag-bid, dahil ang presyo ng $22,000 ay hindi umabot ng $220,000 threshold na inilagat ng mga mambabatas ng California noong Enero 1. Hindi rin umabot sa statutory bid threshold ng distrito na $114,800.
Hindi nagrespond si Michael Salinas, ang representado na nagbigay kay Edgar Tovar ng Top Choice quote, sa maraming hiling para sa komento. Tumanggi si Robert Tovar na mangomento pagkatapos ng maraming hiling para sa komento.
“Stop harrassing me,” sulat ni Robert Tovar sa isang text.