Pwedeng makabasa ng orihinal na artikulo sa Ingles dito.
Pinagbabawas at binebenta ng De Anza College ang mga pinakamahalagang serbisyo nito, dahil daw ang “cost-neutrality” ay isang prinsipyong panggabay ng distrito; iniiwan ng stratehiyang ito ang mga estudyante at pakultad na may mas kulang na soporta sa bawa’t taon.
Ang Dining Services, na sinarado ng distrito sa pabor sa contractor na Pacific Dining, ay pinakabagong biktima lamang nitong mga pagbabawas; natugunan nito ang parehong kapalaran ng palimbagan noong summer 2023 at ng dating bookstore sa huli ng 2021.
Hindi lamang na binabawasan ang ilang mga serbisyo, pero meron ding mga pasyang pambawas ng gastos na nagpapahina sa mga programa, kasama ang College Promise ng De Anza, na direktang nakikinabang sa mga estudyante.
Ngayon, ang De Anza College Promise ay sumasakop sa dalawang taon ng bayad sa pagaaral sa bagong full-time na estudyante, na limitado sa 15 na units at nangangailangan ng GPA na hindi bababa sa 2.0; ang mga limitadong ito ay hindi doon bago sa fall 2023 quarter. Pinutulan din ng De Anza ang $1,000 na stipend para sa libro pagkatapos ng winter 2024 quarter; iniwanan ng kolehiyo ang mga estudyante sa kawit para sa mga mamahaling aklat-aralin at kasangkapan para sa kanilang pagaaral.
Dagdag pa, mukhang ang distrito ay humahakbang upang tanggalin ang patakaran ng libreng parking sa fall 2026.
Habang nagsisimula ang distrito sa pagimplemento ng pangangailangan ng parking pass, ang bagong pagpapatupad ng multa at sistemang pang-catalog na digital ay nagpapadali sa paghihigpit ng parking sa mga estudyante. Kapag sanay na ang lahat sa pagrehistro para sa mga pasa, masmaluwag na para pasukan ng kabayaran.
Kahit na may bayad ang parkign bago sa pandemyang COVID-19, ang paglilipat sa libreng parking ay nagiligtas ng mga estudyante sa stress at nagtitipid ng kanilang pera — marapat lamang na manatiling ganito.
Sa ekonomika, ang tawag sa ganitong unti-unting pagpapalubha ay austeridad.
Ang austeridad ay isang aktitud sa patakaran kung saan ang mga gobyerno at mga institution ay bumabalanse ng kanilang badyet sa paraang paggupit, pampipisil at pagbebenta. Sa realidad, kahit man sa pambansang saklaw o sa saklaw man ng distrito ng paaralan, ang kahulugan nito’y nawawalan ng mga serbisyong kritikal ang sinasakupan nito, upang balikatin ang mga gastosin ng serbisyong dating mayroon sila.
Isang halimbawa ay ang United Kingdom sa 2008, noong ang gobyerno ay nagpakilala ng mga hakbang pang-austeridad upang bawasin ang deficit; ipinutol ang paggastang pampubliko at mga programang pangkaligtasan ng lipunan, sa halip na taasin ang buwis sa mga mayayaman.
Hindi mararamdaman ng karamihang estudyante’y hindi ang epekto ng austeridad sa kanilang dalawang taon; sa wakas, pinagmamalaki ng De Anza na ito’y “tops in transfers.” Sa mga estudyante na dito lamang upang kunin ang kanilang degree at lumipat ng kolehiyo, tuldok lang ang pagtatanggal ng kanilang mga serbisyo.
Pero habang tumatagal, ang mga pagwawala ng mga serbisyo ay umiipon at ang mga estudyanteng nandito ng higit sa dalawang taon ay nakakapansin ng mga epekto nito. Maaaring ilagay sa paanib ng patuloy na paghihigpit ng badyet ang mga mahahalagang sentro, parang ang campus center at ang mga village centers. Nawalan na tayo ng Le Café, na dating paborito ng mga estudyante.
Noong dumating sa distrito si Foothill-De Anza Chancellor Lee Lambert, kasama sa kanyang mga layunin ay “paghahanap ng mga paraang entrepreneurial upang tumaas ng kita” at “pagsusulong ng makikitaang pagkakasosyo kasama ng negosyo at industriya,” habang nananatiling “cost-neutral;” ang kahulugan nito’y tinatakbo n’ya ang distrito na parang negosyo at nagbabawas, na hindi tamang paraan ng pamumuno sa “community” college.
Sa pagtapat lamang, hindi ito nagsimula sa 2023, noong dumating si Lambert. Ang distrito’y dati pang umoopera na sa austeridad, sa malaking bahagi ito’y dahil sa kakulangan ng badyet; sa mga budget report na nasa website ng distrito, may kakulangan o aktibong nagbabawas and distrito sa bawat taon maliban sa 2010-11 at 2015-16; inaasahan ng distrito na may kulang, kasing layo ng 2027-28 sa dating taon, bagaman ito’y kumikita ngayong taon na masmahigit sa $600,000 kaysa sa pinroyektohan.
Sa kabila nito, masbumibilis naman; kumuha ang pamunuan ng distrito ng isa pang vice chancellor noong nakaraang taon, habang nakakaraos lamang ang mga part-time na pakultad at kinakailangang sagutin ng mga estudyante ang bayarin sa daan-daang dolyar kada quarter para sa online “textbook” access codes na hindi makakamtang luma o mura, galing sa mga ikatlong partido na katulad ng WebAssign at Pearson.
Noong nagsilbi si Lambert bilang CEO at chancellor ng Pima Community College, namahala siya sa pagbebenta ng community campus ng Pima noong 2019 na may halagang $6 milyon, inantalang pagaayos ng daang pananakbo na nagiwan ng mga atleta na tumatakbo sa mga mapapanganib na kundisyon at tumaga ng $15 milyon galing sa badyet at ng 6% ng mga tauhan habang bumagsak ang sahod ng pakultad at tumaas ang sahod ng mga administrador — kasama ang para sa kaniyang sarili, na naging $348,935 kada taon. Ang kompensasyon niya sa Foothill-De Anza noong 2023-24 ay umabot sa $553,354, na may kasamang $82,432 sa benefits.
Sa ngayong mga panahuring mabuway tungkol sa pagpondong federal para sa mga kolehiyo at unibersidad sa California, hindi marapat na umasa ang pamunuan nitong distrito sa “entrepreneurship” o sa “pagkikita muli ng pera” upang manatiling nakalutang. Sa halip na puhunanin ang mga malalaking venue na hindi magagamit ng karamihang estudyante — pero maiuupahan ng distrito para sa mga pribadong pangyayari — parang ang Visual and Performing Arts Center o ang binasura nang De Anza Event Center, marapat na unahin ng distrito ang mga proyektong direktang makakalingkod sa mga estudyante.
Kaysa sa pisilin ang estudyante at staff, pwedeng tignan ng mga pamunuan ng distrito ang masmaginoo at hindi masyadong “entrepreneurial” na paraan upang magtaas ng kita — parang ang pagtataas ng buwis sa mga masmayayamang mamamayan na nakatira sa Foothill-De Anza. Patas lamang na bayarin nila ang kanilang bahaging makatarungan na hindi umaasa na babalikin o kaya’t ililinya ng distrito ang kanilang mga bulsa, na katulad ng gagawin ng mga panukalang-batas sa bond.
Ang Presidente ng kolehiyo na si Omar Torres ay humihingi ng puna sa kaniyang draft strategic plan para sa kolehiyo hanggang 2030. Habang pinaguusapan ni Torres ang pagpapagawa ng “patas na pag-access at mga landas,” ginugusto ng mga estudyante at ng katauhan ng De Anza ay ang kolehiyong humahawak ng higpit sa mga serbisyo at mga programa nito.
Isang kolehiyong itinatag upang magturo, hindi upang gumawa ng panandaliang pagbabalik sa pangangapital, ay isang gustong aralan ng mga estudyante’t tignan bilang mahigit sa isang “transfer school.” Ito’y tungkulin natin, bilang estudyante, na iparinig and ating mga boses — sa kampus at sa mga pagpupulong ng lupon ng mga tagapangasiwa ng distrito — at upang ipagpagunita sa ating mangangasiwa na ang De Anza ay hindi lamang community college; ngunit ito’y pampublikong institusyon na sumisilbi sa komunidad nito, at hindi pribadong asset upang ibenta.
